BUOD
Si Rostam ay nakatira sa Sistan Iran na kilala rin bilang Persia, isang bayani at isa sa paborito ni King Kaykavous. Sa paghahanap ng kanyang kabayo, nakapasok siya sa isang kaharian ng Samangan kung saan naging bisita siya ng hari habang hinahanap niya ang kanyang kabayong nawawala. Doon nakilala ni Rostam ang princesang si Tahmina. Kilala nito si Rostam at may gusto siya rito. Pumupunta si Tahmina sa kwarto ni Rostam tuwing gabi at nagtatanong kung bibigyan siya nito ng anak at bilang kapalit ay ibabalik niya ang kabayo nito. Nakipagkasunduan si Rostam sa kanya at pagkatapos niyang bigyan nang anak si Tahmina ay nakuha niya na ulit ang kabayo niya. Bago siya umalis, nagbigay siya nang dalawang regalo para dito. Kung manganganak nang babae is Tahmina, kukunin niya ang alahas at ilalagay ito sa buhok niya. Ngunit kung manganganak naman siya nang lalaki ay kukunin niya ang tatak at itatali ito sa kanyang braso.
Matapos ang siyam na buwan, nanganak si Tahmina nang isang lalaki at pinangalanan itong Sohrab. Madaming taon ang lumipas bago magkita ang mag amang si Rostam at Sohrab. Nagkaroon ng away sa pagitan ng Persia at Turan. Nagharap ang dalawang hukbong at naghanda para sa kanilang laban. Kilala si Sohrab bilang pinaka magaling na mandirigma sa hukbong ng Turan. Ngunit ayaw mawala ni Rostam ang magandang reputasyon niya. Walang nagaatubiling kalabanin si Rostam, kaya naman pinadala si Sohrab upang makipagbuno sa bayani ng Khurasaan. Kahit na alam ni Sohrab ang pangalan ng kanyang ama, hindi niya alam na si Rostam ang kanyang makakalaban.
Sa laban, hindi alam ni Sohrab ang pangalan ng kanyang kalaban. Pagkatapos nang matagal at mabigat na paglalaban, naramdaman ni Rostam na nanghihina na siya. Natakot siya para sa kanyang reputasyon, at dahil don, sinaksak niya sa puso ang kanyang anak na si Sohrab. Dun napansin ni Rostam na suot suot nito ang kwintas na ibingay niya kay Tahmina na ibingay ito sa kanyang anak upang panatilihin siyang ligtas. Dumating maya maya si Tahmina upang iligtas silang parehas sa away, ngunit nahuli na siya at ang naabutan na lamang niya ay ang anak niyang si Sohrab na mamamatay na sa mga braso ng kanyang ama.
REPLEKSYON
Ang Shanameh (The Epic Of Kings) ay isang epikong nagmula sa panitikan ng Persya na mas kilala ngayon bilang Iran.Ito ay ang pinakamahabang epiko na naisulat ng isang manunnulat lamang.
Ito ang kaunaunahan kong nabasang epiko mula sa panitikan ng Persya at maari kong masabi na ito ay isang magandang epiko kung babasahin niyo ang buong kwento.
Naniniwala ako na ang kwentong ito ay tumutukoy sa kung ano ang mas mahalaga/mas pipiliin ng tao reputasyon nga ba o kaya't ang pagmamahal sa iyong pamilya at posible din na ang kwento ay tumutukoy sa maayos na pagpili at pagdedesisyon.
Si Rostam na ginawa ang lahat para lng maibalik sa kanya ang kanyang kabayo, ay kilala dahil sa kanyang magandang reputasyon at si Sohrab naman ang anak ni Rostam ay kilala bilang isang mahusay na mandirigma. Ipinakita sa buod ng kwento kung gaano kahalaga para kay Rostam ang kanyang Reputasyon na gagawin niya ang lahat mapanatili at mapaganda lng ito, ngunit sa huli siya ay nagsisi ng nalaman niyang ang mandirigma na kinuhanan niya ng buhay ay ang kaisaisang anak nila ni Tahmina na si Sohrab.
Aking napagtanto na ang panitikan ng Persya o mas kilala ngayon na Iran ay pinapahalagan ng mabuti ang kanilang Kultura at kasaysayan dahil kung hindi, hindi makakagawa nang ganitong mga epiko kung walang pagababasihan o kung hindi ka inspirado.
BUONG KWENTO= http://www.iranchamber.com/literature/shahnameh/08rostam_sohrab.php